-
Nilikha ng langit ang isang anghel
Upang gampanan ang isang mahalagang papel
Pinababa sa lupa ng Poong Maykapal
Upang pagtibayin ang Kanyang pagmamahal.
Ang kainosentehan ang kanyang kapangyarihan
Nakapagdudulot saya kapag siya ay nasilayan
Nakakagaan ng loob ang kanyang mga ngiti
Ang iyong pighati,lahat ay mapapawi.
Sa kanyang mga mata ay iyong makikita
Ang kislap na tila ikay mahahalina
O kay sarap na siya'y halikan
Kay bango't kay linis niyang pagmasdan.
Siya'y dapat alagaan at pakaingatan
Pagkat siya'y kaligayahan ng dalawang nagmamahalan
Tahanan ang kanyang binubuklod
Isang batang likha,tunay na kalugod lugod.
- by Yanie-Senpai |
- Poetry And Lyrics
- | Submitted on 08/14/2009 |
- Skip
- Title: Isang Anghel sa Lupa
- Artist: Yanie-Senpai
-
Description:
For Filipinos only...sorry!!
nah...para lng to sa mga pinoy....sorry...
or sa mga taong marunong mag-tagalog
ptawad sa mga kano out there XD
sana magustuhan nyo!!
p.s.
bout po pala to sa mga babies - Date: 08/14/2009
- Tags: isang aghel lupa
- Report Post
Comments (3 Comments)
- Ryoma Echizen 03 - 08/15/2009
- ang cute..
- Report As Spam
- l_-Arch-Angel-22_l - 08/14/2009
-
5/5 keep the good work smile
- Report As Spam
- meloisasl - 08/14/2009
- galingn mo pa po ha! goodluck
- Report As Spam